Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipapatupad ngayong linggo

May panibago na namang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Ayon sa Oil Industry Sources, tinatayang nasa P0.65 hanggang P0.80 ang posibleng bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.

Nasa P0.55 hanggang P0.70 ang inaasahang tapyas-presyo sa kada litro ng diesel habang aabot naman sa P0.50 hanggang P0.60 ang bawas presyo sa produktong kerosene.

Ito na ang ikalawang sunod na linggo na may bawas-presyo sa produktong petrolyo matapos ang serye ng oil price-hike.

Ang naturang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Speak Your Mind

*