Rollback sa presyo ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal, epektibo ngayong araw

Epektibo na simula ngayong araw ang rollback sa presyo ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal.

Singkuwenta sentimos ang ipatutupad na rollback ng mga panadero sa kada Pinoy Tasty.

Habang P0.25 naman ang tapyas presyo sa kada sampung pirasong pakete ng Pinoy Pandesal.

Ayon sa grupo ng mga panadero, nagkasundo silang tumalima sa naging mungkahi ng Department of Trade and Industry o DTI.

Anila, wala namang problema sa pagbabawas ng presyo dahil nananatili namang matatag ang presyo gayundin ang suplay ng harina sa world market.

Speak Your Mind

*