Rotational Brown-out, posibleng maranasan sa buong Mindanao

Posibleng makaranas ng Rotational Brown-out ang mga lalawigan ng mindanao sa mga susunod na araw.

Paliwanag ni National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Spokesperson Cynthia Alabanza, nasa zero megawatt ang contingency reserves sa Mindanao kasunod ng pagpalya ng quezon power plant na nagsusuplay ng 290 megawatts sa buong rehiyon.

Una nang itinaas sa red alert status ang suplay ng kuryente sa buong Mindanao dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente.

Gayunpaman, aminado pa rin si Alabanza, na sakali mang maibalik agad ang Quezon Power Plant ay kukulangin pa rin ito.

Speak Your Mind

*