Rotational Brown-out, posibleng maranasan sa ilang bahagi ng Luzon

Posibleng makaranas ng Rotational Brown-out ang ilang bahagi ng Luzon sakaling kulangin ang reserbang suplay ng kuryente sa Luzon Grid.

Muli ring ibinalik at mananatili hanggang alas-kwatro ng hapon sa yellow alert ang status ng Luzon Grid matapos na mag-shut down ang kalayaan hydroeletric plant unit 3 at 4.

Inaasahan naman ang pagtaas ng demand sa kuryente na aabot hanggang 9,750 megawatts habang manipis naman ang reserbang suplay na 1, 324 megawatts.

Samantala, patuloy na nasa red alert ang mindanao grid mula alas-dos ng umaga hanggang alas-dyis ng gabi ngayong araw.

Pinapayuhan naman ng publiko na magbawas ng konsumo sa kuryente.

Speak Your Mind

*