Roxas, mistulang punching bag dahil sa patuloy na pagdepensa sa Daang Matuwid

Mistulang naging tagapagsalita ni pangulong Noynoy Aquino si administration presidential candidate Mar Roxas.

Ito ang sinabi ni De la Salle University Professor Richard Heydarian kaugnay sa naging performance ni Roxas sa nakaraang tatlong presidential debates.

Aniya, naging punching bag si Roxas sa isyu ng kasalukuyang administrasyon.

Sinabi pa ni Heydarian na kung gusto ni Roxas na manalo sa eleksyon ay dapat tigilan na nito ang paggamit sa daang matuwid.

Aniya, dapat ipakita ni Roxas ang kanyang magiging administrasyon ay may kakayahan at hindi na mauulit ang ginawang kapalpakan ng kasalukuyang administrasyon.

Gayunpaman, pinuri ni Heydarian si Roxas sa kaniyang closing statement na “The best is yet to come” sa pinakahuling presidential debate.

Speak Your Mind

*