Russia, umaasang makakalaro sa Rio Olympics si Maria Sharapova

Posible pa ring maglaro para sa Rio Olympics sa Agosto ang tennis star na si Maria Sharapova.

Ito’y sa kabila ng ipinataw sa kanyang provisional suspension matapos ma-positibo sa paggamit ng isang banned substance.

Sa isang statement, sinabi ng Russian Tennis Federation President Shamil Tarpishchev na umaasa silang papayagang makapaglaro sa Olympics ang Russian Tennis Star.

Wala pa namang petsang itinakda ang International Tennis Federation kung kailan diringgin ang kaso ni Sharapova.

Speak Your Mind

*