SAFE 2016, tiniyak sa isinagawang provincial joint security conference

Muling nagsagawa ng Provincial Joint Security and Control Center Conference ang mga kinauukulan sa lalawigan ng Pangasinan para matiyak ang ligtas na halalan 2016.

Dinaluhan ito mula sa hanay ng armed forces of the Philippines o AFP, Philippine National Police o PNP, Criminal Investigation and Detection Group o CIDG, Maritime Group at Commission on Election o Comelec.

Sinabi ni p/supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for operation ng PPPO, na sa naturang pagtitipon ay inilatag ng mga security plan para sa secure and fair 2016 elections (SAFE 2016).

Tinalakay din ang siguridad sa pagdadala ng mga Vote Counting Machine o VCM sa mga polling precent dahil limang lugar sa lalawigan ng Pangasinan ang nakabilang sa hard to reach areas dahil sa mga island barangay.

Kabilang na dito ang bayan ng Anda, Sual, San Nicolas at lungsod ng Alaminos at Dagupan kayat dalawang PNP Personnel ang itatalaga sa pagdadala ng VCM sa nasabing lugar.

Speak Your Mind

*