Sampung miyembro ng police Mangaldan, sinibak sa puwesto

Sinibak sa puwesto ang sampung miyembro ng police Mangaldan sa lalawigan ng Pangasinan matapos balewalain ng idinulog na Robbery Incident sa barangay Quequensangen noong nagdaang semana santa.

Sa ngayon ay iniimbestigahan ang Officer-in-Charge na si Superintendent Benjamin Ariola dahil sa reklamong pinagpasa-pasahan nila ang natanggap na reklamo sa naganap na pagnanakaw.

Naganap ang insidente habang naka-full alert status ang kapulisan sa buong bansa dahil sa paggunita ng mahala na araw.

Hindi muna pinangalanan ng PNP ang mga akusadong pulis bilang bahagi umano ng proseso.

Speak Your Mind

*