Sampung oras na kawalan ng kuryente, mararanasan sa ilang lugar sa Pangasinan

Makakaranas ng sampung oras na kawalan ng kuryente ang pitong bayan at isang siyudad sa lalawigan ng Pangasinan sa Miyerkules, Abril a-sais.

Ayon kay Engr. Rodrigo Corpuz, Acting General Manager ng Cenpelco ang iskedyul ng power interruption ay mula alas otso ng umaga hanggang alas sais ng gabi.

Ang mga apektadong lugar ay ang bayan ng Aguilar, Binmaley, Bugallon, Lingayen, Malasiqui, Mangatarem, Urbiztondo at lungsod ng San Carlos.

Ang nag-iskedyul na power interruption ay ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para naman sa pagsasa-ayos ng linya ng kuryente sa mga nasabing mga lugar.

Speak Your Mind

*