Sandara Park, ibinahagi ang secrito para mapanatiling looking young

Ibinahagi ng Korean Star na si Sandara Park sa mga fans nito kung paano nito napapanatili ang kanyang pagiging looking young.

Sa isang event sinabi ni Dara na isa sa kanyang sekreto ay ang pagiging masayahin.

Dagdag pa nito, ayaw niyang maging mature at mas gusto niya ang medyo pagiging childish.

Pagdating naman sa lovelife, sinabi ni Dara na gusto niya sa lalaki ay yung cute, masayahin, at mahilig sa fashion na isa sa mga hilig nito.

Samantala, nais naman ni Sandara na magkaroon ng sariling bahay dito sa Pilipinas para lagi itong makabalik sa bansa.

Nais rin aniya nitong magkaroon ng TV Show at maging judge.

Matatandaan na si Sandara ay kabilang sa mga unang batch ng Star Circle Quest.

Speak Your Mind

*