Sandiganbayan, nagpalabas din ng HDO laban kay Senador J.V Ejercito

Naglabas din ng Hold Departure Order ang Sandiganbayan Sixth Division laban kay Senador J.V Ejercito at labing-apat na iba pa sa kasong technical malversation.

Ang naturang kaso ay nag-ugat sa umano’y maanomalyang paggamit ng calamity funds ng San Juan City noong Alkalde pa lamang ng lungsod si Ejercito.

Kahapon din ay naglabas ng HDO ang Sandiganbayan Fifth Division para naman sa kasong graft ni Ejercito at mga kapwa akusado.

Hindi naman ikinabahala ng senador ang pag-iisyu ng HDO laban sa kanya.

Speak Your Mind

*