Sangguniang nakatatanda, isinusulong ng Senior Citizen Partylist

Sangguniang nakatatanda!

Ito ang isa sa isinusulong ng Senior Citizen Partylist Representative Atty. Geofredo Arquiza sakaling palaring mailuklok sa senado.

Iginiit ni Arquiza na kung mayroong sangguniang kabataan ay dapat na mayroon ding sangguniang nakatatanda na tiyak na malaki ang maitutulong sa sambayanan.

Ayon pa kay Arquiza, ang matatandaan ay may sapat na kaalaman at karanasan sa kahit anong aspeto na posible nyang magamit sa pamumuno.

Panahon na aniya, para ibalik sa mga senior citizen ang dignity at self-fulfillment kung saan ang kanilang mga pangarap at talento ay magamit nila hanggang sila’y nabubuhay.

Mahalaga aniya na maiparamdam sa mga matatandaan na kinikilala natin ang kanilang magagawa at maitutulong sa lipunan.

Speak Your Mind

*