Sapat na suplay ng dugo sa Pangasinan, tiniyak ng Red Cross

Tiniyak ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter na sufficient o sapat pa ang suplay ng dugo sa lalawigan ngayong buwan ngAbril.
Bunga umano ito ng matagumpay na blood donation drive at patuloy na pakikiisa ng mga blood donors sa ahensya.
Sa panayam ng Sonshine Radio kay Raymond Lim, blood donor recruitment officer, sinabi nito na sa kasalukuyan ay nagbibigay na ng stock ng dugo ang Red Cross sa Provincial at mga District Hospital.
Layunin umano nito na hindi na mahirap ang mga residente at pasyente partikular na sa Eastern Pangasinan na maghanap ng dugo.
Ayon pa kay Lim, kung may pangangailangan sa dugo ang isang pasyente ay maaari nang mag-request sa kanyang doktor at pwede nang kuhain ang dugo sa laboratory ng Hospital.
Kailangan lang aniyang gawin ay bayaran ang testing fee kapalit sa dating ipinapatupad na donor card o replacement policy ng Red Cross.

Speak Your Mind

*