Sapat na suplay ng kuryente, pinasisiguro sa araw ng halalan.

Walang kuryente, walang halalan.

Ito ang posibleng mangyari sa ilang bahagi ng bansa na syang dapat paghandaan ng pamahalaan para matiyak ang mapayapa at malinis na halalan sa Mayo a-nueve.

Ayon kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, nangangamba ang karamihan na aabot hanggang sa araw ng eleksyon ang malawakang blackout na nagaganap ngayon sa ilang bahagi ng Mindanao.

Binigyang-diin ni Recto na malaking epekto ito sa pangkabuuang resulta ng halalan dahil tinatayang nasa 12.5 milyong botante ang nakarehistro sa Mindanao, halos doble sa bilang ng mga rehistradong botante sa Metro Manila.

Kaugnay nito, hinimok ni Recto ang dalawang task force na binuo ng Malakanyang na kumilos na para masiguro ang sapat na suplay ng kuryente sa buong bansa partikular na sa araw ng halalan.

Speak Your Mind

*