Sarah Geronimo, kumpirmadong hindi na coach sa The Voice Kids Season 3

Kumpirmadong hindi na parte ng The Voice Kids Season 3 ang Pop Star Royalty na si Sarah Geronimo.

Sinabi ni Sarah bilang coach ay alam niyang kulang pa ang kaniyang nalalaman kaya naman nais muna umano niyang mag-concentrate bilang artist.

Pero aniya, hindi naman niya isinasara ang pintuan na maging coach ulit at bumalik sa programa sa mga susunod na season.

Sa ngayon tiwala umano siya na 100% ay magugustuhan ng mga tao kung sino man po ang uupo sa red chair at papalit sa kanya.

Matatandaang una nang sinabi ni Sarah na hihinto muna siya sa pagiging coach matapos na hindi makapasok sa finals ang dalawa niyang manok noong season 2.

Speak Your Mind

*