Sariling post-harvest facilities para produktong sibuyas, isinusulong

Patuloy na isinusulong ng Provincial Government ng Pangasinan ang pagkakaroon ng sariling Post-harvest facilities para produktong sibuyas.

Ayon kay Dalisay Moya, Officer ng Office of the Provincial Agriculturist o OPAG, walang problema sa produksyon ng sibuyas sa lalawigan ngunit dahil sa kawalan ng cold storage facilities ay mauuwi lang sa pagkalugi ang mga magsasaka.

Kalimitan aniya kung bakit bumababa ang presyo ng sibuyas ay dahil sa pagdagsa ng suplay sa merkado bunsod narin ng sabay-sabay na pag-ani ng magsasaka ng sibuyas.

Binigyang diin ni Moya na kung mayroong sariling cold storage facilities ang probisya, maliban sa dalawang private facility sa bayan ng San Fabian at Bayambang ay maiiwasan pagkalugi ng mga sibuyas growers.

Sa ngayon, nananatili namang top one producer ang lalawigan ng Pangasinan sa produksyon ng sibuyas sa buong rehiyong uno.

Speak Your Mind

*