Sasakyan ng isang Palestinian Official sa Lebanon, pinasabog

Inaalam na ngayon ng mga otoridad ang motibo sa pagpapasabog sa sasakyan ng isang Palestinian Official sa Lebanon.

Ayon sa mga nakasaksi, bigla na lamang sumabog ang sasakyang minamaneho ng biktimang si Fathi Zeidan sa Southern Port City ng Sidon.

Napag-alaman naman ng Armed Forces ng Lebanon na isang kilong pampasabog umano ang inilagay sa sasakyan ng biktima dahilan para mawasak ito.

Si Zeidan ay lider ng Fatah Movement sa Miye Miye Palestinian Refugee Camp malapit sa Sidon.

Speak Your Mind

*