Scholarship program ng TESDA Pangasinan, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang scholarship program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ayon kay Modesto Velasquez, Supervicing Specialist ng TESDA, ay kinabibilangan ng apat na category, gaya ng Private Education Student Financial Assistance o PEFSA, Training for Work Scholarship Program o TWSP, Special Training for Imployment Program o STIP at Bottom-Up Budgeting o BUB.

Nilinaw naman ni Velasquez na sa ilalaim ng scholarship program ng TESDA ay walang babayarang anumang gastos ang mga studyante.

Samantala, dahil sa ipinatupad na K-12 program ng Department of Education o DepEd asahan na umano ang pag-aup-grade ng TESD sa mga iniaalok ng kurso.

Sinabi pa ni Velasquez na sa K-12 Program, ang NC Level na itinuturo sa mag-aaral ay NC Level I at NC Level II, kaya’t upang hindi magkaparehas ang ituturo ng TESDA sa DepEd ay kailangan nilang iup-grade ng NC Level hanggang sa NC level III at NC Level IV.

Speak Your Mind

*