Security at Traffic Plan para sa Presidential Debate, plantsado na

Plantsado na ang Security at Traffic Plan para sa huling Presidential Debate na gagawin sa University of Pangasinan sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay P/Supt. Christopher Abrahano, Dagupan PNP Chief ay matapos ang mga isinagawang meeting and conference sa mga opisyal ng Comelec, ABS-CBN, KBP at iba pang partner agency ay nabumuo na ng contengency plan.

Sinabi pa ni Abrahano na upang matiyak ang siguridad ng lahat ng dadalo sa ikatlo at huling debate sa pam-panguluhan, isasara ang kahabaan ng Arellano st. Mula sa AB Fernandez Junction hanggang Junction ng New de Venecia Highway, simula alas dose ng tanghali hanggang alas dyis ng gabi araw ng linggo.

Papayagan naman umanong makapasok sa Arellano at Bani St. ang mga emergency vehicle gaya ng ambulance para makapasok sa Region 1 Medical Center.

Samantala, aabot naman umano sa pitong daan katao mula sa hanay ng kapulisan, militar at ibang sangay na may kaugnay sa public safety ang itatalaga sa lugar.

Speak Your Mind

*