Seguridad ni Manny Pacquiao sa Amerika, mas hihigpitan

Mas hihigpitan pa ngayon ang seguridad ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao.

Ito ay matapos ang insidente ng tangkang pagsuntok kay Pacquiao ng isang lalaki habang nasa paboritong Japanese Restaurant sa Los Angeles.

Sa naturang insidente, bigla umanong sinugod ng galit na suspek si Pacman habang namamahinga sa labas ng kanyang sasakyan.

Swerte namang nasalag ng isa sa mga assistant ni Pacman ang lalaki.

Habang inilalayo ang suspek ay pinagmumura pa umano ang Pinoy ring icon.

Gayunpaman, hindi na pinatulan ng kampo ni Pacman ang naturang lalaki.

Speak Your Mind

*