Sen. Marcos, hinikayat ang mga kapwa kandidato na sumailalim sa drug test

Hinamon ni Senador Bongbong Marcos ang lahat ng mga kandidato sa pagka-pangulo at Bise Presidente na sumailalim sa drug test.

Ito ay bilang tugon sa panawagan ng iba’t-ibang grupo ng kabataan na boluntaryong sumailalim sa drug test ang mga kandidato.

Nais ng grupong National Youth Coordinating Council on Drug Abuse Prevention at National Youth Affairs on Drug Abuse Prevention and Education, na ipakita ng mga kumakandidato sa pagka-pangulo at Pangalawang Pangulo ang kanilang senseridad sa kampanya laban sa iligal na droga.

Ayon sa report ng PDEA, mahigit sa 8,600 na mga barangays sa bansa ang apektado ng illegal drugs.

Habang ang Metro Manila ang may pinakamataas na bilang ng drug affected barangays na sinundan ng mga barangay sa Southern Tagalog Region.

Sang-ayon naman si Marcos na maibalik ang death penalty para sa mga big time drug pushers at drug lords.

Speak Your Mind

*