Sen. Robredo at Sen. Escudero, nakainitan sa isyu ng PDAF

Nagkakainitan sina Camarines Sur Representative Leni Robredo at Senator Chiz Escudero sa ginanap na Vice-Presidential debate kahapon kaugnay sa isyu ng Pork Barrel Funds.

Ito’y matapos kuwestiyunin ni Robredo si Escudero sa kawalan nito ng ginawa bilang Senador para matanggal ang diskresyon ng mga mambabatas sa Pork Barrel.

Nanindigan naman si Escudero na kabilang siya sa mga nangungunang naghain ng petisyon sa Korte Suprema para tanggalin ang Pork Barrel.

Kinastigo din ni Senador Antonio Trillanes si Senador Gringo Honasan sa isyu ng katiwalian, matapos ungkatin ang pagtatanggol ni Honasan kay Vice President Jejomar Binay na kanilang iniimbestigahan sa isyu ng katiwalian.

Samantala, pinabulaanan naman ni Senador Bongbong Marcos na sangkot siya sa PDAF scam, at aniya’y pamumulitika lamang ang naturang alegasyon laban sa kanya.

Speak Your Mind

*