Sen. Santiago, nanindigang hindi aatras sa presidential race

Nanindigan si Senador Miriam Defensor santiago na hindi siya aatras sa laban sa pagka-pangulo para sa nalalapit na eleksyon.

Ginawa ni Santiago ang kumpirmasyon sa kaniyang pagharap sa mga taga suporta sa muli nitong pagbabalik sa pangangampanya.

Ayon kay Santiago, wala siyang balak na umatras sa pagiging kandidato sa pagka-pangulo.

Sinabi ng Senadora na nawala lang siya ng sandaling panahon dahil kinailangan niyang dumaan sa isang clinical trail sa anti-cancer pill.

Matapos ang ilang linggong pamamahinga, unang binisita ni Santiago ang Alma Mater na University of the Philippines-Visayas sa hometown nito sa Iloilo City.

Ayon kay Santiago, hindi siya apektado sa mababang rating sa mga survey.

Speak Your Mind

*