Senator JV Ejercito, kabilang sa listahan ng may Offshore Accounts

Kabilang sina Senador J.V Ejercito, Ilocos Norte Governor Imee Marcos, at tatlo niyang anak sa panama papers expose.

Ang naturang expose ay patungkol sa mga umano’y pagkakaroon ng Offshore Holdings.

Ang Offshore Holdings Company ay para sa pagtatago ng pera at pag-iwas sa pagbabayad ng buwis.

Bukod sa apat na Marcos at Ejercito, mayroon pang higit limandaang Filipino na pawang may dugong chinese ang nasa listahan ng expose.

Gayunman, nilinaw ng International Consortium of Investigative Journalists (ICIJ) na nagsapubliko ng naturang mga accounts na may ilang offshore companies na legal at hindi lahat ng nasa listahan ay lumabag sa batas.

Ilan sa mga kilalang personalidad na kasama rin sa panama papers list ay mga malalapit kay Russian President Vladimir Putin, pamilya ni Chinese President Xi Jin Ping, at FC Barcelona Forward Lionel Messi.

Ang Panama Papers Link ay maituturing na “biggest leak” ng inside information sa kasaysayan.

Speak Your Mind

*