Sierra Leone, muling naka-alerto sa posibleng banta ng Ebola virus

Muli namang inalerto ng World Health Organization (WHO) ang Sierra Leone matapos maitala ang bagong kaso ng ebola virus sa karatig bansa nitong Liberia at Guinea.

Ayon sa W.H.O, nasawi ang isang babaeng may ebola mula Liberia pagkarating nito sa Guinea.

Matapos nito ay walo na ang kasunod na nasawi sa Guinea matapos ang naturang insidente.

Dahil dito, binigyang diin ng W.H.O na dapat masuri at maging mahigpit ang mga awtoridad sa mga lalabas at papasok sa border ng West African Countries upang maiwasan ang pagkalat ng naturang virus.

Speak Your Mind

*