SINAG, kinumpirma ang kaso ng Armyworms sa mga pananim na sibuyas

Kinumpirma ng samahang industriya ng agrikultura (SINAG) at Abono Partylist na tinamaan ng Armyworms ang mga pananim na sibuyas sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon kay Abono at SINAG Chairman Engr. Rosendo So, aabot sa apatnaput lima hanggang limampung porsyento ng mga pananim na sibuyas ang naapektuhan ng pananalasa ng mga uod.

Dahil dito, nangangailangan na aniya ng tulong ang mga magsasaka mula sa ayuda ng Gobyerno dahil sa pagkabaon nila sa pagkalugi.

Pangatlong beses na ayon kay Engr. So na nagtanim ng sibuyas ang mga magsasaka pero dalawang beses sinira ng bagyo habang ngayon na nakatakda nang mag-anihan ay sinalanta naman ng mapanimsalang uod.

Idinagdag pa ni So na kung makaka-ani naman ang mga magsasaka sa pananim na sibuyas ngayong buwan ng abril ay posibleng wala ring maiuwing kita.

Speak Your Mind

*