Siyam na stages, ilalagay sa Bangusan Street Party

Siyam na intamblado ang itatayo sa kahabaan ng de Venecia Highway Extension para sa Bangusan Street Party na gaganapin sa April 30, bahagi ng Bangus Festival 2016.

Magsisilbi itong stage ng mga pinoy artist at banda na magbibigay kasiyahan sa okasyon tulad ni Abra, Bamboo, Arci Munoz, Spongecola, Silent Sanctuary, Parokya ni Edgar, Sandwich, Rock’s Teddy at ilan pang Kapuso artist.

Kasabay nito, tiniyak naman ng Dagupan City police ang kanilang ipatutupad na security plan tulad ng pagsasara sa de Venecia Highway Extenson simula Abril a-bente nuebe.

Ayon kay Ps/Insp. Bernabe Ramos, Operation Officer ng PNP Dagupan, kada intablado ay tatapatan din ng command centers para magsisilbing puwesto ng pulisya na magbabantay sa kaligtasan ng publiko.

Istrekto din umanong ipatutupad ang tamang daanan upang maiwasan ang pagsisik-sikan at pagsasalubong ng volume ng tao papasok at palabas sa lugar.

Speak Your Mind

*