SP Franklin Drilon, nanguna sa senatorial survey ng SWS

Nanguna si Senate President Franklin Drilon sa pinaka-huling senatorial survey ng Social Weather Stations (SWS).

Nakakuha si Drilon ng 45 percent, sinundan naman siya ni Senador Tito Sotto na may 42 percent.

Pareho naman nakakuha ng 37 percent sina dating Food CZAR Francis Pangilinan at dating Rehab CZAR Panfilo Lacson.

Pasok din sa magic 12 sina Leila de Lima, Juan Miguel Zubiri, Manny Pacquaio, Risa Hontiveros, Sergio Osmeña, Ralph Recto, Richard Gordon at Joel Villanueva.

Speak Your Mind

*