SRP sa mga distilled at mineral water, ipinatupad ng DTI-Pangasinan

Bunsod ng nararanasang init ng panahon, naglabas na ang Department of Trade and Industry o DTI-Pangasinan ang Suggested Retail Price (SRP) sa mga distilled at mineral water.

Ang hakbang na ito ay upang mabantayan ang posibleng pagtaas ng presyo mga distilled at mineral water dahil sa taas ng demand nito sa merkado.

Kasabay nito, nagbabala naman si DTI Provincial Director Engr. Peter Mangabat, sa mga tindera na posibleng manamantala sa presyo ng bottled water.

Dapat umanong tumalima ang mga ito sa itinakda na SRP na P8-p11 ang 300 ml habang nasa P12-P16 ang 500ml at nasa p21-p25 ang kada 1 litro ng bottled water na mabibili sa mga pamilihan.

Speak Your Mind

*