SSS, hinikayat ang mga OFW na kumuha ng ng personalized luggage tag

Hinihikayat ng Social Security System (SSS) ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na kumuha ng personalized luggage tag.

Sinabi ni SSS Senior Vice President Judy Frances See na sa pamamagitan ng tag ay mas madaling matatandaan ng mga OFW ang kanilang SS Number kahit na nakadestino sa ibang bansa.

Ang luggage tag ay maaaring kunin sa mga SSS Foreign Representative Offices (FRO) o sa mga outreach events na pinangungunahan ng SSS o ng mga local consular offices.

Dagdag ni See na naka-imprenta sa mga SS#tags ang pangalan ng mga miyembro, Social Security o SS Number, OFW coverage status at petsa ng pag-iisyu ng card.

Nakalagay naman sa likod ng card ang impormasyon ng FRO na nag-isyu ng SS# tag pati na rin ang mga detalye ng OFW Contact Services Unit.

Speak Your Mind

*