SSS, isinusulong ang paggamit ng Globe G-cash Facility

Umabot na sa halos P650,000 ang nakolekta ng Social Security System (SSS) mula sa kontribusyon at loan payments ng mga boluntaryong miyembrong gumagamit ng Globe G-cash Facility.

Ayon kay SSS Officer-in-charge ng service delivery department Renato Malto, ang Globe G-cash Facility ay isang mobile payment scheme ng SSS na inilunsad noong Disyembre 2015.

Layunin umano ng programa na palaganapin ang paggamit ng mobile phone sa pagbabayad ng SSS contributions at loans kayat kahit ang mga nasa pinakamalayong lugar sa bansa ay makakapagbayad sa SSS.

Idinagdag pa ni Malto na mas mainam gamitin ang Globe G-cash dahil mabilis ang posting ng bayad nito sa database ng SSS.

Maaari ding magparehistro sa G-cash Facility sa pamamagitan ng pag-download ng G-cash Mobile application sa mobile phone.

Speak Your Mind

*