Summer activity, inilunsad ng Pangasinan Provincial Library

Nagsasagawa ng isang programa ang Pangasinan Provincial Library (PPL) para sa mga kabataan ngayong ika-18 ng Abril hanggang Mayo 20.

Ayon ka PPL Staff Olivia Ganzon, nakapaloob sa summer activity ang iba’t- ibang aktibadad tulad ng computer tutorial, story-telling, film viewing, at paper origami making.

Sinabi pa ni Ganzon, na layon ng programa na mas ma-improve ang learning skills ng mga kabataang Pangasinense na nasa edad tatlo hanggang labing limang taong gulang.

Samantala, nagsisimula ang session sa dalawang batch –9am hanggang 11pm at 2pm hanggang 4pm at tatagal nang tatlong linggo.

Sa ngayon, naitala ng PPL ng 127 na kabataan ang nagpapa-register para sa computer tutorial, 61 sa story-telling, 64 sa film-viewing, at 96 sa paper origami-making.

Speak Your Mind

*