Suplay ng kuryente sa araw ng eleksyon, magiging normal – NGCP

Magiging normal ang suplay ng kuryente sa buong bansa araw ng eleksyon, Mayo a-nwebe.

Ito, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines ay kung walang papalyang planta ng kuryente.

Kung walang magiging problema sa Mayo a-nwebe, inaasahan na mayroong gross power reserve na 2,243 megawatts para sa Luzon, 190 megawatts para sa Visayas at 370 megawatts para sa Mindanao.

Tututukan naman ng NGCP ang sapat na reserbang kuryente at seguridad ng mga grid.

Nakatakda ring ipasuspinde ng NGCP ang lahat ng isinasagawang preventive at maintenance works sa lahat ng transmission lines bago at pagkatapos ng halalan.

Speak Your Mind

*