Suplay ng kuryente sa Luzon, balik-normal na

Balik na sa normal ang Luzon Grid ngayong araw.

Ito ay matapos na maibalik sa operasyon ang Sual Power Plant na mayroong 647 megawatts.

Alas-otso naman kaninang umaga ng simulang paganahin ang Malaya Thermal Plant.

Sa kasalukuyan, 1, 488 megawatts ang reserbang kuryente ng Luzon Grid.

Speak Your Mind

*