Suplay ng tubig sa mga dam, hindi pa apektado ng El Niño

Hindi pa rin problema ang suplay ng tubig sa mga dam sa bansa sa kabila ng nararanasang El Niño.

Nananatili pa ring nasa normal ang water level ng mga pangunahing dams sa Bansa gaya ng Angat, Ipo, La mesa, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat, at Caliraya.

Gayunman, bumaba ang water level ng karamihan sa mga dam sa nakalipas na bente kwatro oras.

Tumaas naman ng 0.01 percent ang reservoir water level ng ipo at 0.08 percent naman ang Binga dam kumpara alas sais ng umaga kahapon.

Speak Your Mind

*