Suspek sa investment scam na gumagamit ng Facebook, kinasuhan na

Kinasuhan na ng Securities and Exchange Commission (SEC) ng criminal complaint sa Department of Justice (DOJ) ang isang suspek sa investment scam na gumagamit ng social media site na Facebook.

Ang suspek na si Rovvil Cabusora Peramide ay kinasuhan matapos maaresto dahil sa pang-eenganyo sa mga investors na may malaking perang balik.

Nabatid na ang suspek ay may-ari ng account na “Charlz Jason Rovvil Peramide” na ginagamit niya para mambiktima ng mga nagnanais maglagak ng pera bilang mga investors.

Si Peramide ay nangakong kikita ng 20 hanggang 30 percent ang perang investment ng kaniyang mga biktima.

Bukod kay Peramide, kinasuhan na din ng SEC ang isa pang suspek sa parehas na modus.

Speak Your Mind

*