Suspek sa pagkamatay ng 30 katao sa Pakistan dahil sa lason, arestado

Hawak na ngayon ng Layyah Police District sa bansang Pakistan ang may-ari at emleyado ng Tariq Hotel and Sweet Shop kaugnay sa pagkamatay ng 30 katao.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, namatay ang mga biktima matapos na malason dahil sa pagkaing binili sa naturang bakeshop.

Ayon kay Umer Hayat, isa sa mga biktima, inihanda niya ang binili niyang Laddu o uri ng Sweets na parang donut sa birhtday ng kanyang apo.

Matapos aniya nilang makain ito, wala pang isang oras ay nakaramdam na sila ng sintomas ng pagkalason.

Inamin naman ng isang empleyado ng naturang bakeshop na aksidente nitong naihalo ang isang uri ng pesticide sa kanilang produkto.

Sa ngayon, pansamantala munang isinara ang naturang bakeshop matapos ang naturang insidente.

Speak Your Mind

*