Tabs sa port of Manila, tinutulan ng mga mga stakeholders ng Aduana

Tinututulan ng mga stakeholders ng Aduana ang pagpapatupad ng Terminal Appointment Booking System o tabs sa Port of Manila.

Ayon kay Abe Ribao, Vice President ng Aduana Busines Club, maaari naman aniyang ipatupad ang tabs, subalit kailangan aniyang walang sangkot na pera.

Dagdag pa ni Ribao, mas lalong nagiging magastos sa panig ng mga truck operators ang pagpapatupad ng tabs.

Samantala, ipinauubaya na rin aniya nila sa korte kung ipagpapatuloy pa ang operasyon ng tabs matapos silang maghain ng mosyon.

Speak Your Mind

*