Talakitik, nangungunang insekto na umaatake sa palay sa tag-init

Grasshopper o mas kilala sa tawag na talakitik ang nangungunang insekto na umaatake sa mga pananim na palay tuwing panahon ng tag-init.

Ito ang inihayag ni Marivic Begonia, Supervising Science Research Specialist ng (DA) Regional Field Office 1 sa panayam ng Sonshine Radio.

Ayon kay Begonia, mag-iiwan ng malaking pinsala sa sakahan oras na atakehin ng pesteng talakitik dahil sinisipsip nito ang katawan at katas ng palay na nauuwi naman sa pagkatuyo.

Bukod dito, mabilis din aniyang dumami ang talakitik lalo na ngayong panahon ng tag-init.

Maiiwasan naman aniya ang ganitong uri ng insekto kung agad na aalisin ang mga tinamaan ng peste, tamang level ng patubig at paggamit ng magandang uri ng pestisidyo.

Speak Your Mind

*