Tapyas-singil sa presyo ng petrolyo, ipatutupad simula bukas

Magpapatupad ng tapyas-singil sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis simula bukas.

Epektibo bukas ala-sais ng umaga, magbabawas ng singil ang Shell ng sitenta sentimo sa kada litro ng gasolina, singkwenta singko sa kada litro ng kerosene at singkwenta sentimo sa kada litro ng diesel.

Kaparehong presyo rin ang ipatutupad ng Chevron, Sea Oil Philippines at Fyling V simula mamayang alas-dose uno ng hating-gabi sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosene.

Pareho namang magpapatupad ng sitenta sentimo sa kada litro ng gasolina at singkwenta sentimo sa kada litro ng diesel ang PTT Philippine at Phoenix Petroleum simula bukas ala-sais ng umaga.

Magro-rollback rin ng sitenta sentimo kada litro ng gasolina at singkwenta sentimo kada litro ng diesel ang eastern petroleum simula alas-dose uno mamayang hating-gabi.

Speak Your Mind

*