Tatlong Comelec Commissioner, tutol sa pagbili ng mga uniporme para sa eleksyon

Kapwa tutol sina Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon at Arthur Lim kaugnay sa bidding ng mga unipormeng gagamitin ng mga Board of Election Inspectors (BEIS) at opisyal ng Comelec.

Kahapon ay nagpalabas si Guanzon ng isang memo na humihikayat sa mga miyembro ng Comelec en Banc na muling ikonsidera ang desisyong bumili ng mga uniporme.

Aniya, base sa mga naririnig niyang komento, hindi gusto ng mga guro na suutin ang bib vests.

Mas mainam aniya na gumamit na lang ng malaking I.D para makilala ang mga BEI.

Hinihikayat ni Guanzon ang En Banc na itigil ang bidding o huwag nang i-grant ang notice of AWARDS dahil ‘di naman aniya kailangan ito.

Gayundin ang opinyon ni Lim at ni Commissioner Sheriff Abas na kapwa nasa Hongkong.

Speak Your Mind

*