Tatlong Operation Baklas ng Comelec, naisagawa na sa Dagupan City

Tatlong operation baklas na ang naisagawa ng hanay ng Commission on Election (Comelec), Philippine National Police (PNP) at Department of Public Works and highway (DPWH) sa lungsod ng Dagupan.

Ito’y kaugnay sa ipinatupad na “One time, big time Operation Baklas” sa mga illegal campaign material ng mga pasaway na kandidato.

Sa panayam ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas o KBP Forum, sinabi ni P/Supt. Christopher Abrahano, Dagupan PNP Chief na isinagawa ito sa mga pangunahing lansangan at Central Business District ng syudad.

Bahagi umano sa trabaho ng PNP na magbigay siguridad sa ipinapatupad na Operation Baklas ng Comelec, lalo’t marami sa mga campaign material ang iligal na nakasabit sa mga lansangan.

Speak Your Mind

*