Tatlong policy statement, nailabas na ng Philhealth ngayong taon

Tatlong policy statement hingil sa ibat-ibang sakit ang inilabas na ng Philippine Health Insurance Corporation o Philheath ngayong unang quarter ng taon.

Kabilang rito ang diagosis ang management of acute gastroenteritis, diagnosis and management of urinary tract infection in adults diagnosis, empiric management ang prevention of comminity-acquired pneumonia

Ayon kay Dr. Majesty Ritchie Parayno, Medicial Specialist ng Philhealth Region 1, ang nasabing mga sakit ay kalimitang kaso na naitatala sa mga hospital kayat itinuturing ring itong kasama sa top ten illnesses.

Layunin din umano nito na mapangalagaan ang serbisyo ng bawat hospital at matiyak din ang kapakanan ng bawat miembro ng Philhealth sa pamamagitan ng pagbibibgay ng tamang benipisyo.

Speak Your Mind

*