Tax Tulungan Center, binuksan para mapabilis ang pagbabayad ng ITR

Binuksan ang Tax Tulungan Center at e-lounge ng Bureau of Internal Revenue (BIR) District Office sa bayan ng Calasiao, Pangasinan upang mapabilis ang pagbabayad ng buwis.

Sa pamamagitan umano nito ay matutulungan ang mga tax payer na walang enternet sa bahay o ayaw pumunta sa mga enternet café na maka-pagbayad gamit ang electronic filing.

Kasabay nito, nagbabala naman si Atty. Eduardo Pagulayan, OIC Regional Director ng BIR sa mga tax payer na hindi nakaabot sa deadline sa pagbabayad ng income tax return ay maaaring makapag-bayad ng multa.

Kabilang na aniya rito ang 25 percent sur-charges, compromise penanties, at 20 percent enterest per year.

Hinikayat naman ng pagulayan ang mga pangasinense na magbayad ng income tax return dahil obligasyon natin ito bilang isang pilipino, sabi nga “sa ikaka-unlad ng bayan tax ang kailangan”.

Speak Your Mind

*