Team Pacquiao, patungo nang Las Vegas para sa nalalapit na laban kay Bradley

Patungo nang Las Vegas ang Team Pacquiao para sa laban ni Manny kontra Timothy Bradley sa Abril a-nwebe.

Ayon sa fighting congressman, “excited” at “thrilled” na siya sa nasabing trilogy bout.

Kasama ni Pacquiao ang buong pamilya sakay ng isang RV Luxury Van na pinahiram ng kaibigang negosyante.

Determinado si Pacman na ipanalo ang laban matapos ang isang taong pamamahinga sa boksing dahil sa tinamong shoulder injury nang magharap sila ni Floyd Mayweather, Jr.

Speak Your Mind

*