Trillanes, iginiit na pambobola lang ng kampo ni Duterte na tuldukan ang kriminalidad sa bansa

Iginiit ni Senador Antonio Trillanes IV na pambobola lamang ang plano ng tambalan nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senador Alan Peter Cayetano na tuldukan ang kriminalidad sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan at kung hindi ay pareho silang magbibitiw sa puwesto.

Sinabi ni Trillanes na malapit na sana siyang maniwala kung walang krimen sa lugar ni Cayetano sa taguig at sa balwarte ni Duterte sa lungsod ng Davao.

Binigyang-diin ni Trillanes na puro kalokohan at pambobola lamang ito sa mamamayan para makakuha ng boto bagay na mariing naman na pinabulaan ni Cayetano.

Ani Cayetano, mas mainam para sa mga kasamahang kandidato na magpresenta ng plano para masugpo ang kriminalidad at droga sa halip na batikusin ang kanilang plataporma.

Dagdag pa ni Cayetano, hindi imposible ang kanilang plano dahil ang kailangan lamang dito ay pamumuno na may political will.

Samantala, binanggit naman ni Senator Bongbong Marcos ang pangako sa kanya ni duterte na ipagkatiwala sa kanya ang pamumuno sa bansa bilang pangulo sakaling hindi nito magawa ang pangako sa loob ng anim na buwan.

Speak Your Mind

*