Trust at approval ratings ni Pnoy, tumaas pinaka-huling survey

Tumaas ang trust at approval ratings ni Pangulong Noynoy Aquino sa pinaka-huling survey ng Pulse Asia.

Nakuha ni Pnoy ang 52 percent approval ratings at 49 percent trust ratings.

Kapwa bumaba naman ang trust at approval ratings ni Vice President Jejomar Binay.

Nakuha ni Binay ang 46 percent approval ratings, mas mababa ng isang porsyento kumpara noong Enero habang 44 percent naman ang nakuha ni Binay na trust ratings, mas mababa ng apat na porsyento kumpara noong Enero.

Pinakamalaki namang pagtaas sa trust at approval ratings ang nakuha ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Nakuha ni Sereno ang 30 percent trust ratings habang 31 percent naman sa approval ratings.

Ikinumpara sa naturang survey ang trust at approval ratings ng limang pinakamataas na opisyal ng bansa noong Enero a-disi sais at nitong Marso a-disi sais.

Speak Your Mind

*