Umanoy hidwaan sa hanay ng mga mahistrado sa korte suprema, mariing pinabulaanan

Mariing pinabulaanan ng korte suprema na mayroong namumuong hidwaan sa hanay ng mga mahistrado.

Ito ang pahayag ni Supreme Court Spokesman Theodore Te sa kaniyang social media account, matapos mapaulat na may gulo sa loob ng korte suprema kaugnay sa isyu ng final ruling sa kaso ni Senador at ngayo’y Presidential Candidate Grace Poe.

Ayon kay Te, normal na umano ang hindi pagkakasundo ng mga mahistrado sa ganitong isyu.

Sinabi ni Te na nagpapakita ito na independent ang isang institusyon at nagbabantay ng husto sa kanilang mga tungkulin.

Magugunita na 9-6 ang final ruling ng korte suprema na nagbasura sa desisyon ng Comelec laban kay Poe.

Giit ni Chief Justice Lourdes Sereno, kanilang ipinauubaya sa mga botante ang pagpili ng kanilang kandidato.

Speak Your Mind

*