Unang dalawang araw ng OAV, dinagsa ng mga ofw sa ibat-ibang bansa

Naging maganda ang kinalabasan sa unang dalawang araw ng Overseas Absentee Voting (OAV).

Ito ang sinabi ni Commission on Elections Commissioner Arthur Lim kasunod ng kaniyang personal na pagtungo sa hongkong upang obserbahan ang takbo ng botohan.

Ayon kay Lim, sa unang araw pa lamang ng botohan ay dagsa na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa hongkong na nais bomoto at makilahok sa halalan.

Nakapagtala naman ang Bansang Singapore ng pinakamaraming botante sa unang araw ng halalan kung saan umabot sa mahigit isanlibong rehistradong botante ang bumoto.

Inaasahan naman na patuloy na dadagsa ang mga pinoy sa mga embahada at konsulada para makibahagi sa halalan.

Magtatapos naman ang overseas absentee voting sa mismong araw ng halalan dito sa Pilipinas sa Mayo a-nueve.

Speak Your Mind

*