Vitangcol, pinasasampahan ng panibagong Graft Case ng Ombudsman

Pinakakasuhan ng Ombudsman sa sandiganbayan ng dalawang bilang ng kasong graft sina dating MRT-3 General Manager Al Vitangcol III at ang Incorporator ng PH Trams na si Wilson de Vera.

Ito ay may kaugnayan sa tangkang pangingikil ng thirty million U.S dollar na kalauna’y ibinaba sa 2.5 million U.S dollar mula sa isang Czech Company na Inekon.

Kumbinsido umano ang Ombudsman na ginawa nina Vitangcol at de Vera ang bigong pangingikil sa naturang Czech Company para makapasok ito sa isang joint venture para sa maintenance ng MRT-3.

Guilty rin umano si Vitangcol sa grave misconduct, serious dishonesty at unlawful solicitation.

Si Vitangcol ay nahaharap din sa hiwalay na kasong graft sa sandiganbayan na may kinalaman sa pag-aaward ng multi-bilyong pisong maintenance contract sa ph trams-CB&T joint venture.

Speak Your Mind

*